Monday, July 22, 2002

yess! I'm back! so what happened since the last time I blogged in? Nuninuninuninuuuu...

JULY 19 2002, FRIDAY

Ganito 'yon, the three of us met up with this guy Edgar Tadeo, who colors Leinil Yu's "High Roads". Leinil(Nil) does pencils (and sorta the creator), kuya Gerry Alanguilan does inks. Ryan Orosco, whom I am in honor to work with(nyacks! Bola! Hehehe;), is the penciller of Darna- Anniversary Special first issue. Now, the four of us are going to Nil's place! :)

...Where everyone tried to draw but ended up stuffing our faces with KFC(Kwestyonabol Frayd Chiken) and Coke. Lots :9 I think only Nil and kuya Gerry succeeded in drawing anything that night. The rest of us watched tv 'til the radiation turned us into gorgeous mutant superheroes(we wish).

We watched this b movie in Solar called Blood Surf. They watched only for this Maureen girl. I spent my time trying not to get too disgusted with the flatchested girl who's trying HARD to be sexy. And then we watched Shallow Hal, I think in special dedication for Edgar. Go figure :p After that I got sleepy and tried to sleep on the floor with a beanbag as my bed, pillow, and teddy bear in one. Kaso I think nakatapat sa akin yung pusanggalang aircon kasi malamig pa rin kahit nagkumot ako ng, um...tuwalya.

So lumipat ako sa couch kasi bakante na(whee!). Dami pang unan ^_^ Tulog muna ako hanggang magsawa si Ryan maglaro ng Warcraft III...

Hindi na pala ako ginising ni Ryan! Kaya tinapos na n'ya! Daya!!!

Anyway, skip na tayo sa:

JULY 20 2002, SATURDAY

Pasok kami ni Ryan sa ofis. Trabaho. Basa ng Swamp Thing(by Alan Moore) na pinahiram ni kuya.Uwi sa boarding house. Empake. Text kay kuya Gerry. Tawag. Ok, sa Megamall kami magkikita. Naiwanan ko kasi ofis worx ko. Dinala nya :)

A&W daw. Buti natandaan ko kung nasaan 'yung pusanggalang lugar na 'yon. 'Di ko mahanap si kuya Gerry... uy! yung portfolio nya! hawak nung mama... ok, kakilala pala ni kuya. Tiyempo namang lumitaw si kuya Wasted. Pinakilala na ako kay Oliver Pulumbarit. Oy kewl! 'yung gumagawa ng "Lexy, Nance & Argus" sa Pulp magazine! Pina-autograph ko 'yung Pulp na pinahiram sa akin ni Ting Caisido. Mukhang naaliw naman siya. Whee!

Tapos, sakay na kami bus ni kuya Gerry! Umuulan tapos wala kaming jacket o payong. Pareho kasing matigas ang ulo heheheh! Nang makapunta kami Alabang tumayo si kuya, dungaw ng dungaw sa bintana ng bus. baka daw kasi makita niya si ate Ilyn, sasabayan na daw nya. Uuuuuy! :) Sweeet! Si ate Ilyn Florese nga is an architect(like kuya!) and they're gonna get married this December. Pwera bati :) Kuya! marami ba handa? Kung marami, imbita mo 'ko!!! :9 Tutulong ako! Ako taga-tikim!!!

Ay bait! Hinatid pa ako hanggang gate ng bahay namin. Libre pa bus at traysikel! Sarap ng libre! I'll make sure to return the favor, syempre :)

And home again to mamy, achi Beya, lola and baby Mikko! As usual, all smiles si baby boy pagkakita sa akin. Matalinong bata 'to, marunong nang kumilala ng maganda, wrehehehe! Kaso I've been cold, tired and sleepy. I barely managed to undress before I collapsed onto bed.

JULY 21 2002, SUNDAY

Kaya pala ang lamig... kobrekama ang pinangkumot ko! Saka... NYE! Sa kama pala ni lola ako nakatulog! Eheheheh, nagkaroon tuloy ng transient bedspacer si lola ng 'di oras. Thanks, lola! ;D

Anong ginawa ko sa bahay? Binasa ko Daredevil ni kuya, saka The Hobbit ni Ting. Basa basa basa. halos sakalin nga ako ni mamy kasi hindi daw ako makausap. may sarili na naman daw akong mundo ehehehe! Haaaay! sarap magbasa! Meron pang Pulp ni Ting! tapos pwede kong basahin uli yung High Roads 1-3... naaah. kakain na daw me e.

Yeheeey! Favorite ko: Bacon and hotdog!!! Ewan ko ba pero 'pag pinagsasama ko 'yung dalawang 'yun e hindi na ako maawat sa pagkain!!! VORACIOUS!!! ;9

Tapos, Empake. Tapos, tawag kay kuya. Nag-text siya e, mahal mag-reply. Buti libre local calls, whee! tried to watch Men of Honor kaso hindi ko na tinapos kasi hindi ko rin naman nasimulan. Tapos, tulog.

Zzzzzzzzzzzzzz....

JULY 22 2002, MONDAY

Nag-alarm noong 3:30am. Dineadma ko. Paggising ko 4:30 na!!! Yikes! 5am na ako nakaalis! Dumiretso na me ofis...

Nyeeeee, seven ako nakarating sa ofis??? Okay lang, drowing habang kumakain ng Mister Donut twister na favorite ni Ryan.

Walang kwenta 'yung drowing. Tinapon ko na rin. 'Yung twister, ok. Pero favorite ko pa rin swiss mocha :9 Nagpa-alarm ako ng 8:45. Umakyat ako. Sina sir Sam lang nandun. Late daw ako ng five minutes. Hel-loo!! Kaya nga may 15 minute grace period e! Duh!!! Dyosko! 'Di pa tumigil! Hihilahin pa chair ko 'pag uupo na me. Sheesh, nakisakay na lang ako sa ka-praningan n'ya. Absent kasi 'yung dalawang mokong e, sina Ryan saka si Allan Soriano, 'yung 3d artist namin. Sus, ako tuloy pinagti-tripan. Pumunta kasing Subic 'yung mga koreans e. Pero iwan sina sir Sam saka si sir Kwon. Tama, baka binubuhos na lang sa akin 'yung inis nila kasi hindi sila makasama, hehehe ;)

uy, si Ryan, pumasok! 'Kala ko ba maysakit 'to? narinig lang na pupuntang Subic ang mga bantay, pumasok na! Gusto lang 'atang mag-warcraft e! Heheheh, joke lang 'pre!
So anyway, drowing uli kami buong araw. Si Ryan ayaw daw kumain. Kakapangilabot, malala na nga 'ata ang sakit ni Ryan! Nawawalan ng gana e, usually ang takaw-takaw n'yan! Nag-warcraft na lang kami habang kumakain. Si Ryan, naghahamon na naman ng LAN. Yabang! Porke natapos ko na kina Nil 'yung campaign e! Patapusin mo muna ako ng campaign noh! Saka maga-show-off ka lang naman by slaughtering my base before I could even build it ;p

Pwedeng bantay ng pc shop si sir Sam, five minutes before tapos ng break time nagsisigaw na siya ng warning para i-save na namin 'yung games namin(anlakas pa man ding sumigaw ng malaking mamang 'yun). Pero 'nung 5:30 na pinayagan kaming mag-stay until 6:30 para maglaro. WHEEEEE! Nakaabot ako hanggang sa nakuha ni Arthas 'yung Frostmourne. E duh! bago pa naman nakuha 'yung pusanggalang espadang 'yun praning na si Arthas e! Ayaw kasing makinig sa raven-prophet. Antigas ng ulo!

Tapos, nagyayang mamasyal sa glorietta si Ryan. Nagkwento ng lovelife n'ya(as usual). Sus, kung hindi ba pusong mamon si ryan e di siguro ang konti na ng problema niya. Pero minsan, ako rin naman e. Hay, ayoko na nga e. It would take a LOT of convincing for a guy to win me over after all the sh*t I've been through(and all the creeps I've met).

Anyway, nagpaalam na si Ryan na sasakay na raw siyang MRT. Sabay na raw ako sa kanya kasi may sakayan din daw papuntang bhaus namin. Sabi ko lakad na lang me. So as soon as nag-part ways na kami...

Dumiretso me sa Diesel where I saw this really sweet super-low cut dress and tried it on. Syempre nang makita kong pitong libo ang presyo ng pusanggalang dalit na yun umalis na ako. Ok lang, masaya na ako na sinukat ko yun. Saka, as if naman may pagkakataon akong suotin ko yun noh! Kelan ba yung last time I ever went anywhere worth dressing up for??? Hay. So anyway, since nagsisi-sarado na rin lang ang mga tindahan e naglakad na ako along dela rosa walkway pauwi. A few blocks from home may namataan akong internet shop. P40/hr. Sure, P30/hr 'yung nasa kina Ryan pero P20 pamasahe dun noh! So here I am :) typing away... 'til next time!!!

No comments: